 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Paningin' ni Msgr. Noel |
| 20 November 2023 |
| |
|
Hindi kailangan ang mata upang makita ang tunay na mahalaga. Kung minsan pa nga, ang mga may kumpletong paningin ang hindi makakita sa katwiran at katotohanan. Wika ni Helen Keller: "Blindness is an unfortunate handicap but true vision does not require the eyes."
Ipinamalas ito ng bulag sa ebanghelyo. Sa kabila ng kanyang kapansanan, 'nakita' niya si Hesus. May kakayahang makakita ang pusong may tapat na pananalig. "It is only with our heart that we can see rightly; for what is essential is invisible to the eyes" (mula sa The Little Prince).
Pagsumakitan nawa nating makita si Hesus sa gitna ng ingay at mga kaabalahan sa buhay. Kahit madami ang nabubulag sa pera at materyal na bagay, nawa'y manatiling matalas ang ating paningin sa mga bagay na marapat at banal.
*Lunes sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|