 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bayad-Puri' ni Msgr. Noel |
| 21 November 2023 |
| |
|
Hindi madali ang magbalik-loob. Ang pagbabago ay isang panghabambuhay na proseso. Pinatunayan ito ni Zaqueo nang aminin niya kay Hesus ang kanyang mga kasalanan at akuin ang pananagutang magbayad-puri. Aniya, "kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.”
Lahat ng kasalanan laban sa katarungan ay dapat pagbayaran. Anumang ninakaw, kinupit, dinaya, hiniram o sinira ay dapat isauli o pagbayaran. Sabi nga, "A thing always seeks its owner."
Pinanindigan ni Zaqueo ang pagbabago. Kalahati ng kanyang ari-arian ay ipinamigay niya sa mga dukha. Isinauli niya ang kanyang dinaya at ninakaw. Dahil dito, dumatal sa kanyang sambahayan ang kaligtasan at kapayapaan. "Opus justitiae pax." Peace is the work of justice.
*Martes sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|