Sa Isang Salita: 'Punla' ni Msgr. Noel
25 November 2023
 
"You cannot kill time without injuring eternity." Sa bawat 'ngayon,' nagsisimula ang walang hanggang bukas.

Noong panahon ni Hesus, ang mga Saduseo, isang sekta ng Judaismo, ay hindi naniniwala sa kabilang buhay. Para sa kanila, tinatanggap na nila dito sa lupa ang gantimpala sa mabuti nilang ginawa. Ayaw nilang bitawan ang yaman at posisyon sa lipunan na kanilang pinanghahawakan.

Taliwas sa paniniwalang ito, ipinahayag ni Hesus ang mas marangal na bokasyon ng tao. Ang buhay natin ngayon ay di pwedeng ihambing sa walang hanggang buhay.

Dapat nating paghandaan ay ang buhay na darating. Sa buhay na ito, nagsisimula na tayong magpunla ng binhi ng walang hanggang buhay.

Ipinagkatiwala ng Diyos ang lahat para tayo ay lumago sa uri ng buhay na nais niya para sa atin. Dapat nating gamitin nang mahusay ang mga pagpapalang mayroon tayo. "As each has received a gift, use it to serve one another, as good stewards of God's varied grace." (1 Peter 4:10)

*Sabado sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN