 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 29 November 2023 |
| |
|
|
Hangang-hanga ako sa mga mga santo at santang namatay bilang martir. Sa panahong sila'y inuusig ay naipagtanggol nila ang pananampalataya. Ang karunungan nila ay galing sa Diyos. Ito ang pangako ni Jesus sa ebanghelyo, "Bibigyan ko kayo ng karunungan." Palaging may sumasalungat sa ating sinasampalatayanan. Hingin natin ang dunong mula sa Diyos upang tayo ay makapagtanggol. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|