 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 04 December 2023 |
| |
|
|
Ginawa nang bahagi ng Misa ang mga salita ng kapitang Romano sa ebanghelyo ngayon, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo..." Ito sana'y madama ng bawat dumadalo sa Misa. Hindi tayo karapat-dapat na tumanggap ng Katawan ni Cristo. Ni hindi tayo karapat-dapat makibahagi sa piging ng kanyang pag-ibig, ni ang ituring niyang kapatid, ni ang mabuhay sa kanyang piling. Wala tayong karapatan sa kanyang pagbibiyaya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|