Share the Thought by Msgr. Andro
07 December 2023
 
Hindi sapat ang panalangin para makarating sa langit. Maliwanag ang pahayag ng ebanghelyo. Hindi ang pagtawag ng "Panginoon, Panginoon" ang magdadala sa atin sa langit kundi ang pagsunod sa kanyang kalooban na tayo ay magmahal sa kapwa. Kahit maghapon tayong nakaluhod, kung hindi naman tayo lumalakad sa daan upang damayan ang kapwang nangangailangan, hindi rin natin makakamtan ang kalangitan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN