Share the Thought by Msgr. Andro
09 December 2023
 
Paano ba lulutasin ang problema? Ang unang hakbang ay alamin at unawain ito. Ganyan si Jesus. Ipinakikita sa ebanghelyo ngayon na inalam niya ang sitwasyon ng mga tao. Maraming maysakit. Ang mga tao ay lito at lupaypay. Sila'y parang mga tupang walang pastol. Matapos alamin ang suliranin, humanap si Jesus ng solusyon. Tiinipon niya ang labindalawa at binigyan ng atas at kapangyarihan. Huwag tayong kikilos kapag di pa natin gagap at unawa ang lahat. Baka hindi angkop ang ating gagawin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN