Sa Isang Salita: 'Sugatan' ni Msgr. Noel
09 December 2023
 
Walang taong hindi nakararanas ng sakit at hirap. Iba't ibang pagsubok, problema, o karamdaman ang ating pinagdaraanan. May karanasang nag-iiwan ng malalim na sugat sa ating pagkatao.

Subalit ito ang mundong pinasok ni Hesus. Alam niya ang hirap ng buhay sapagkat dinanas rin niya ang maging sugatan. Sabi sa ebanghelyo, "nang makita ni Hesus ang mga tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y lito at lupaypay..."

Sa aklat na "Wounded Healer," sinabi ni Henri Nouwen: sa ating kahinaan, matututo tayong makiramay. Mula sa ating pagiging sugatan, maaari tayong maging bukal ng kagalingan para sa iba. Tinatawag tayo ng Diyos mula sa lugar ng kahinaan upang maging mabisang kasangkapan ng mapagpahilom na pagmamahal ng Diyos sa kapwa.

“God uses broken things. It takes broken soil to produce a crop, broken clouds to give rain, broken grain to give bread, broken bread to give strength. It is the broken alabaster box that gives forth perfume. It is Peter, weeping bitterly, who returns to greater power than ever.” - V. Havner

*Sabado sa Unang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN