 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kaibigan' ni Msgr. Noel |
| 11 December 2023 |
| |
|
Ang taong karamay natin sa panahon ng pangangailangan ay isang tunay na kaibigan. Hindi lamang siya nagsisilbing presensya ng Diyos sa ating buhay. Siya ay umaagapay rin sa atin patungo sa Diyos.
Ito ang ginawa ng mga taong magbuhat ng isang lumpo para dalhin sa harapan ni Hesus. Sila ay mga tunay na kaibigan. Dinala at inilapit nila ito kay Hesus. Tinanggap ng lumpo ang grasya ng kagalingan sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
Ipinapahayag ng istoryang ito sa ebanghelyo ay larawan ng buhay ng Simbahan. Ang pagbubuo ng sambayanan ay nagsisimula sa pakikipagkaibigan. "The Church happens when people come together and become friends." Nagkakaroon ng mukha ang katawan ni Kristo sa lupa, ang Simbahan, sa mga taong nagdadamayan.
Sa ating mga angkan at kapitbahayan dapat magsimula ang diwa ng Simbahan. Tayo ay katiwala ng Diyos sa pagbubuo ng kanyang sambayanan dito sa lupa.
*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|