Sa Isang Salita: 'Pagod' ni Msgr. Noel
13 December 2023
 
Higit na nakakapagod ang gumawa nang labag sa ating kalooban. Doble ang bigat ng trabaho kapag ayaw natin ang ating ginagawa.

Ganito ang karanasan natin kapag di bukal sa loob ang pagsunod sa batas ng Diyos. Pakiramdam natin ay may bitbit tayong mabigat na pamatok. Ang pagtalima ay nagiging mapang-api kaysa mapagpalaya.

Maganda ang paanyaya sa atin ni Hesus sa ebanghelyo. “Lumapit kayo sa akin, kayong mga napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin.” Magaan ang pamatok ni Hesus. Ang kanyang batas ay ‘batas ng pag-ibig.’ Walang mahirap na bagay sa taong nagmamahal. Kusa itong bumubukal sa puso.

Ang adbiyento o pagdating ni Hesus ay nagdala sa atin sa mas malalim na kaugnayan sa Diyos. "Obedience is the highest form of freedom." Sa pagsunod sa kanyang kalooban, nagkakaroon ng kaganapan ang ating pagkatao.

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN