 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patotoo' ni Msgr. Noel |
| 14 December 2023 |
| |
|
May isang kakatwang imahen si Juan Bautista na nakaturo ang kanang kamay. Sino ang itinuturo ni Juan? Ang paliwanag ng iskultor na gumawa nito: ang itinuturo niya ay si Hesus. Ipinakilala niya si Hesus sa mga tao, at hindi ang kanyang sarili. "May darating na higit pa kaysa akin," aniya.
Nagpatotoo si Juan kay Hesus; at nagpakatotoo rin siya sa sarili. Hindi niya inangkin ang dangal na nakalaan sa Mesias.
Ang Adbiyento ay panahon ng pagbibigay saksi sa pagdating ni Hesus. Sino kaya ang higit na may lugar sa ating buhay: si Hesus o ang ating sarili; ang mensahe ng ebanghelyo o ang pagpapahalaga ng mundo? Tulad ni Juan, sabihin din natin: He must increase; I must decrease."
Sa kapakumbabaan, binigyang-dangal siya ni Hesus: "sa mga propeta, walang higit na dadakila pa kay Juan."
*Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|