 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Magalak' ni Msgr. Noel |
| 17 December 2023 |
| |
|
J-esus, O-thers, Y-ou. Ayon sa isang spiritual writer, ito ang susi upang tunay na maranasan ang kagalakan (JOY). Unahin si Hesus, kasunod ang kapwa at sa huli ang sarili.
Ito ang mensahe ngayong "Gaudete Sunday" o Linggo ng Kagalakan. Sabi ni Juan Bautista: "...nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.”
Ito rin ang paraan para danasin ang kagalakan na hinahangad ng ating puso: unahin si Hesus at kapwa bago ang sarili.
Ayon sa isang social psychologist, may dalawang uri ng kaligayahan: a) panandaliang aliw dahil nakabatay sa pakiramdam, b) pangmatagalang galak, dahil nakaugat sa pagpapahalagang ispiritwal at moral. Kung nais danasin ang ikalawa, dapat nating isaisip na: 1. Sa pagbababagi ng saya, tayo ang unang nagiging masaya. "Giving love is the first step in receiving it." Kapag nagawa nating isuko ang mga bagay na gusto natin (want) para sa iba, makakamit naman natin ang mga bagay na kailangan natin (need). 2. Linawin ang layunin natin sa buhay. Magkaroon ng malinaw na tunguhin ang mga gawain sa araw araw. Ani Victor Frankl, sa kanyang aklat na "Man's Search for Meaning," many of man's sickness stem from the loss of the sense of purpose. Maraming balakid sa tunay na kagalakan ang pagkawala ng kahulugan at layunin ng ating pag-iral. 3. Ugaliing maging mabait at mapagbigay. "Practice kindness and acts of self-giving." Kapag ginamit natin ang ating mga kaloob (time, treasure, talent, temple, testimony) para maglingkod sa kapwa, ang mga ito ay lalago at higit na malilinang. Samantala, kapag ang pinabayaan natin ang mga kaloob at tayo ay nabuhay para sa sarili lamang, ito ay kusang mawawala at maaksaya.
Let us be joyful in giving. Let us find Christ in sharing each other's gifts.
*Ikatlong Linggo ng Adbiyento Gaudete Sunday |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|