 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 December 2023 |
| |
|
|
Ang taimtin na nagdarasal, may himalang masasaksihan. Sa pamantayan ng tao ay hindi na magkakaanak sina Elisabet [na isang baog] at Zacarias sapagkat sila'y matanda na. Subalit taimtim na nagdasal si Zacarias at binalitaan siya ng anghel, "Dininig ng Diyos ang panalangin mo." Naglihi nga si Elisabet sa sanggol na pinangalanang Juan. Ganyan ang kapangyarihan ng panalangin. Walang di mapangyayari. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|