Share the Thought by Msgr. Andro
20 December 2023
 
Mas makahulugan ang pagbibigay kapag maligaya ang nagkakaloob. Inanyayahan ng Arkanghel si Maria na "magalak" [sa Griego ay "chaire"] at tumugon naman siya nang may kagalakan [sa Griego ay "genoito"]. Maligayang nagbigay ng "Oo" si Maria sa alok ng Diyos na siya'y magsilang kay Jesus. Tayo rin ay inaanyayahang magkaloob ng ating sarili bilang balik-handog sa Diyos. Gawin natin ito nang may galak sa puso.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN