Share the Thought by Msgr. Andro
22 December 2023
 
Ang "Laudato si" ni Papa Francisco noong 2015 ay nagsimula sa panalangin ni San Francisco de Asis" na nagpupuri sa Diyos sa kagandahan ng sangnilikha. Ang "Magnificat" ay awit ng papuri sa Diyos. Ito ay inilagay sa mga labi ni Maria sapagkat angkop ito sa damdamin ng Mahal na Birhen. Ang awit na ito ay tila tinig ng buong sangnilikha na nagpupuri sa mga "dakilang bagay" na gawa ng Diyos. Masdan natin at kalingain ang kapaligiran. Ito ang tunay na pagpupuri.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN