 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Magnificat' ni Msgr. Noel |
| 22 December 2023 |
| |
|
"The Christmas story is a subversive story. It erases the lines we draw between ourselves and others. It turns our values and our ways of thinking upside-down" (Joe Kay).
Sa "Magnificat" o Awit ni Maria, ipinapakita radikal na panawagan ng ebanghelyo. Inilalahad ng kanyang Awit ang mensahe ng Diyos mula sa hanay ng mga propetang sumisigaw ng pagbabago.
* “Pinaalis niya na walang dala ang mayayaman, binusog ng mabuting bagay ang mga nagugutom.” Taliwas sa idolatriya ng salapi, ito ay panawagan upang hindi iasa ng tao ang kaganapan ng buhay sa pagdami ng ari-arian. Ang makataong pag-unlad ay hindi nasusukat ng materyal na yaman.
* “Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, itinaas niya ang mga nasa abang kalagayan.” Taliwas sa idolatriya ng kapangyarihan, ito ay paalaala na hindi kaylanman maaring panghawakan ng tao ang anumang kapangyarihang makalupa. Lahat ng ito ay may katapusan. Dapat itong gamitin “upang maglingkod at hindi upang mangbusabos”.
*”Ipinakita niya ang lakas ng Kanyang bisig, pinangalat ang mga may palalong puso.” Taliwas sa idolatriya ng indibidwalismo, inilalantad ng Magnificat ang kahibangan ng panghahawakan sa sariling lakas at talino. Ang ideolohiyang nakasentro sa sarili ang ugat ng dominasyon ng tao sa kapwa at sa kalikasan.
Sa kabuuan, dapat nating pakilusin ang kapangyarihan ng ebanghelyo upang buwagin ang istruktura ng kasalanan at ibalik ang kaayusang moral sa lipunan sa diwa ng aral ni Kristo.
*Disyembre 22, Simbang Gabi |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|