 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 December 2023 |
| |
|
Si Maria ay huwaran sa pagsunod. Ang kanyang pagsang-ayon sa panukala ng Diyos ay silbing inspirasyon ng lahat. Tatlo ang katangian ng kanyang kasunuran.
1.PINAGDASALAN. Nagmuni si Maria at sumangguni sa Arkanghel bago siya tumugon.
2. MALAYA AT DI NAPIPILITAN. Bukal sa loob at buong layang tinanggap ni Maria ang plano ng Diyos.
3. MALIGAYA siya [Ang salitang Griego "genoito" ay maligayang pagsunod] sa pagbibigay ng "Oo." |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|