Sa Isang Salita: 'Tinadhana' ni Msgr. Noel
29 December 2023
 
"Di tayo pwede... pinagtagpo ngunit di 'tinadhana..." Ito ang istorya ng pag-ibig na hindi nagkaroon ng kaganapan, ayon sa isang OPM song.

Subalit iba ang love story ng Diyos at tao. Nakatadhana itong maganap. Kahit na nagtaksil ang tao, ang Diyos ay nanatiling tapat. Tinupad niya ang kanyang pangako.

Ang Pagsilang ng Mananakop ay kongkretong katuparan nito. Mapalad si Simeon nang makita at mahawakan niya ang batang si Hesus. "Kunin Mo na ang iyong abang lingkod," aniya, "yayamang nakita ng mga aking mga mata ang iyong pagliligtas."

Si Simeon ay kumakatawan sa bawat isang taong nananalig at naghihintay sa kaganapan ng plano ng Diyos. Sa kanyang puso, alam niyang hindi siya mabibigo.

"A faithful believer is a true lover." Sa istorya ng pag-ibig ng Diyos, itinadhanang makakatagpo natin si Hesus. Sa madilim na yugto ng kasaysayan, Siya ang Liwanag sa lahat ng mga bansa.

*Disyembre 29, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN