 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tinig' ni Msgr. Noel |
| 02 January 2024 |
| |
|
Lahat ng nangangaral ng katotohanan ay tulad ng "tinig na sumisigaw sa ilang." Hindi sila pinapakinggan dahil taliwas ang kanilang mensahe sa gawi at kalakaran ng lipunan.
Ganito ang paninindigan ni Juan Bautista. Walang naging hadlang para ipahayag niya ng katotohanan sa makapangyarihan. Naging tapat siya sa kanyang panawagan. A prophet speaks truth to power.
Sa pagsisimula ng taon, ibinabalik tayo ng ebanghelyo sa pangunahing tungkulin bilang mga Kristiyano. Ipangaral natin ang ebanghelyo "napapanahon man o hindi" (2 Tim. 4:2)
"Stand up for what is right even if it means standing alone." - S. Kassem
*Enero 2 o Lunes bago mag-Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|