 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagpapakita' ni Msgr. Noel |
| 05 January 2024 |
| |
|
Nang tawagin si Natanael, sinabi sa kanya ni Felipe, "Halika at nang iyong makita." Nang tugunin niya ang paanyayang ito, higit pa sa kanyang inaasahan ang kanyang nakita. 'Nanalig' siya kay Hesus. Higit pa sa biyayang ipinagkaloob kay Jacob (na sa Lumang Tipan ay biniyayaan ng banal na pangitain), 'nakita' niya kay Hesus ang presensya ng Diyos sa ating gitna.
Tayong mga binyagan ay mga tunay na Israelita. Inanyayahan tayo at tumugon sa paanyaya ni Hesus: "Come and see." Halina at nang inyong "makita" ang Diyos sa katauhan ni Hesus.
Sa ating pananalig, mararanasan natin ang pamamalagi ng Diyos hindi lamang sa loob ng gusaling Simbahan, kundi sa araw-araw na buhay.
Tuwing sumisimba tayo kapag araw ng Linggo, ipinagdiriwang natin ang Diyos na sa araw-araw ay nararanasan na natin ang presensya.
Lahat tayong 'nakakita' kay Hesus ay may panawagang magbigay-saksi sa kanya. Kaakibat ng biyaya ng pagkikipagtagpo kay Hesus ay ang tungkulin na ipakilala siya sa iba.
*Enero 5, Huwebes bago ang Pagpapakita ng Panginoon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|