 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mabisa' ni Msgr. Noel |
| 09 January 2024 |
| |
|
Hindi lamang kasanayan ang sukatan ng galing sa pananalita. Higit na mahalaga ang pagsaksi sa salitang ipinapahayag.
Si Hesus ay nangaral "nang may kapangyarihan" hindi tulad ng mga eskriba at pariseo. Pati ang mga demonyo ay tumatalima sa kanyang utos. Takot ang demonyo sa kapangyarihan ng Salita. Walang laban ang pwersa ng kadiliman sa pangangaral ng Salitang Nagkatawang Tao.
Mabisa ang pangangaral ng mga Kristiyanong tapat na sumasaksi sa ebanghelyo. Sa kanilang pamumuhay, muli't muling nagkakatawang tao ang mensahe ng Panginoon.
*Martes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|