 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kapanalig' ni Msgr. Noel |
| 12 January 2024 |
| |
|
Mahirap manalig nang nag-iisa. Hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay malakas. May panahon nakakaranas tayo ng kahinaan. Kailangan natin ng karamay. Kulang ang buhay kung walang kapanalig. Sila ang kaagapay natin sa paglapit sa Diyos.
Sa ebanghelyo, ang pananampalataya ng apat na katao ang nagdala sa paralitiko kay Hesus. Larawan sila ng mga tunay na kapanalig; mga tunay na karamay ng kapwang nangangailangan. Ito ang diwa ng Simbahan. Kapatid ang turing natin sa bawat bahagi, malakas man o mahina. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa.
"No one becomes a Christian in isolation," sabi ng yumaong Papa Emerito Benedicto). Tayo'y lumalago bilang mga Kristiyano sa loob ng komunidad ng mga nananalig. Kulang ang ating pag-iral kung walang Diyos at kapwa sa ating buhay.
*Biyernes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|