 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bato-Balani' ni Msgr. Noel |
| 18 January 2024 |
| |
|
Bakit kaakit-akit ang buhay ng isang taong banal? Sapagkat ang kanyang buhay ay salamin ng kaganapan na minimithi din nating mangyari sa ating sarili. Tinitingala ng marami ang mga huwarang nais nilang pamarisan.
Sa ebanghelyo, inilarawan si Hesus na sinusundan at dinudumog ng napakaraming tao saan man siya magpunta. Uhaw ang mga tao sa aral ng ebanghelyo. Pero higit pa rito, naghahanap sila ng modelo ng buhay na inaasam ng lahat: isang buhay na laan para sa kapwa.
Ayon sa teolohiya, "holiness is the connatural fruit flowing from the acceptance of the Christian message." Sa ating panahon, kabanalan ang pinakamabisang patotoo sa kredibilidad ng ebanghelyo. Ang buhay ng taong banal ay konkretong patunay na mabisa at nakapagpapabago ang pananalig kay Hesus.
*Huwebes sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|