 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Sarado' ni Msgr. Noel |
| 22 January 2024 |
| |
|
Mahirap ang alipin ng poot at inggit. Nawawala sa tamang katwiran at binabaluktot ng katotohanan. Dito rin nag-uugat ang iba pang kasalanan tulad ng paninirang-puri at pagbubulaan.
Nang magpalayas si Hesus ng demonyo sa isang inaalihan nito, naghari ang inggit at poot sa puso ng kanyang mga kalaban. Sa halip na magalak sa biyaya ng paggaling, pinagbintangan nila si Hesus na gumagamit ng kapangyarihan ng demonyo sa mga ginagawa niyang mga himala.
Dahil sa masamang pag-iisip, naging sarado ang kanilang puso sa katotohanan. Pinili nilang manatili sa kadiliman sa harap ng nakasisilaw na liwanag ng kabutihan.
Malaking kasalanan ang magtanggol sa kabuktutan. Hindi tayo dapat masanay sa dilim ng baluktot na katwiran. Baka sa takipsilim ng ating buhay, tayo na mismo ang umayaw sa liwanag ng walang hanggang buhay.
*Lunes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|