Share the Thought by Msgr. Andro
23 January 2024
 
Magkalaban daw ang Kapamilya at Kapuso. Pwede namang hindi paglabanin. Maaaring pagsamahin. Sa ebanghelyo ay ipinahayag ni Jesus kung sino ang kapamilya niya, kung sino ang kanyang ina at mga kapatid. Sila 'yong tumutupad sa kalooban ng Diyos. Sila ay kapuso dahil may puso silang laang sumunod sa Diyos. Madali palang mapabilang kay Jesus. Maging masunurin lamang. Ituturing niyang kapamilya na, kapuso pa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN