 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bonding' ni Msgr. Noel |
| 23 January 2024 |
| |
|
'Big deal' sa mga Judio ang pagiging kaanib ng Bayang Pinili, ang Israel. Para sa kanila, ito ay katiyakan ng kanilang matalik na kaugnayan sa Diyos ng Tipan.
Binasag ni Hesus ang ganitong pananaw. Hindi ang relasyon sa dugo ang magpapakilala ng ugnayan sa Kanya. Aniya: "Ang sinumang tumutupad ng aking Salita ang aking ina at mga kapatid." Nagtakda si Hesus ng bagong panuntunan: pagtalima o pagsunod sa kanya ang ating 'life line' sa Diyos.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging maka-pamilya. "Family is love," wika ng isang slogan. Pero higit na mainam pa rin kung ang bawat kaanib ng ating angkan ay nagkakabuklod sa pananalig; at nagkakaisa ng puso at diwa kay Kristo. Mas malalim ang ugnayang ispiritwal kaysa simpleng pagkakamag-anak. Kung ang mga mag-anak ay lumalabas at kumakain para mag-'bonding,' higit na kapuri-puri ang 'bonding' kung sama-samang sumisimba at nanalangin. Walang duda, mas matibay ang ugnayang nakaugat sa Diyos.
*Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|