 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 January 2024 |
| |
|
|
Sa pag-aaral, alin ang mahalaga -- guro, mag-aaral o leksyon? Ang sagot: LAHAT. Sa pagtatanim, lahat din ay mahalaga -- magsasaka, binhi at lupa. Masipag at maingat ang nagtanim. Mabuti ang binhi. Mataba ang lupa. Ilapat natin sa Talinghaga ng ebanghelyo ngayon. Sa pagbubunga ng Salita, lahat ay may ambag. Mabuti ang salitang inihahasik sa ating mga puso. Matiyaga ang Diyos sa paghahasik. Sana ay matabang lupa ang ating mga puso na laang makinig at magsabuhay. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|