 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Edukado' ni Msgr. Noel |
| 24 January 2024 |
| |
|
Hindi sa dami ng pinag-aralan nasusukat ang pagiging tunay na edukado. Sa tunay na buhay, ang karunungan ay nakikita sa kagandahang asal. Maging sa biblia, ang tuwid na pamumuhay ang sukatan ng karunungan. "Wisdom is righteousness."
Tulad ng iba't ibang klase ng lupa sa Talinghaga ng Manghahasik, magkakaiba rin ang disposisyon ng mga taong nakikinig sa aral ni Kristo. Bagamat isang uri lang ng binhi ang inihasik, isa lang ang nagbigay ng saganang ani: ang mabuting lupa.
Ang pagkaunawa sa Salita ay makikita sa kabutihan ng puso. Sa "saganang bunga" makikita ang uri ng pagkatao mayroon tayo.
Kung sa paaralan, itinuturo muna ang leksyon bago iangkop sa buhay, sa pananampalataya, ang pagsasabuhay ng leksyon ang patunay na tayo ay may natutunan.
*Miyerkules ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|