Share the Thought by Msgr. Andro
29 January 2024
 
Maling pagpili. Mas pinili ng mga tao ang kanilang ikabubuhay kaysa kay Jesus na siya mismong Buhay. Dahil kay Jesus ay nawalan sila ng mga baboy na ikabubuhay. Nakiusap silang umalis na ang Panginoon. Alin ba ang mas lalong mahalaga? Hindi ba't nasa Panginoon ang lahat ng ikabubuhay? Bakit natin siya paaalisin? Kapag kasama natin si Jesus ay nasa atin na ang lahat. Sa piling niya ay wala na tayong hahanapin pa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN