 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Testigo' ni Msgr. Noel |
| 01 February 2024 |
| |
|
Sinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad nang dala-dalawa. Bawat isa ay dapat magbigay-saksi sa kanilang pangangaral. Ang kanilang magkatuwang na pagmimisyon ay huwaran ng pagkakaisang likas sa pag-iral ng Simbahan.
Walang kristiyano ang dapat mamuhay nang mag-isa. Isinisilang at lumalago tayo sa loob ng kapatiran ng mga nananalig.
Sabi ng isang aklat, ang Simbahan ay larawan ng Banal na Sangtatlo. The Church is an icon of the Trinity. Ang buhay ng Simbahan ay mabisang testigo ng bahaginan ng pag-ibig sa Komunidad ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang kaisahan ang isa sa apat na tanda ng tunay na Simbahan.
Ang kaganapan ng ating kaligtasan ay kaisahan (communion) ng lahat sa Diyos. Sa lupa pa man, dapat nang masalamin ang pagkakaisa sa pananampalataya at pag-ibig ng sambayanang nanalig.
*Huwebes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|