Share the Thought by Msgr. Andro
08 February 2024
 
Kapag gusto'y may paraan. Labis ang pagnanais ng babae na mapagaling ang kanyang anak. Humanap siya ng paraan. Hindi man marapat, ang babaeng Hentil ay lumapit kay Jesus. Tila nainsulto siya sa taguring "tuta" ngunit hindi pa rin sumuko. Pinaggiitan niyang ang mga tuta man ay kumakain ng mga mumong nalalaglag sa hapag ng mga anak. Nabagbag si Jesus at ipinagkaloob ang kanyang kahilingan. Tunay, ang mapamaraan ay nagtatagumpay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN