Share the Thought by Msgr. Andro
11 February 2024
 
Malalim ang salitang "manikluhod." Ang mismong pagluhod ay pagmamakaawa. Ang lumuluhod ay nakikiusap taglay ang kababaan. Nadama ni Jesus ang gayong paghihirap ng ketongin na isinasantabi sa lipunan. Nais ng ketongin na maging malinis upang muling tanggapin ng madla. "Ketongin" din tayo dahil sa ating mga kasalanang nagpaparumi. Magpakababa tayo at manikluhod. Muli tayong lilinisin ni Jesus.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN