 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Marumi' ni Msgr. Noel |
| 11 February 2024 |
| |
|
Simula pa sa pagkabata, pinamihasa na tayo ng ating mga magulang na huwag hahawak sa marumi. "Don't touch... dirty!" Baka tayo magkasakit. Nilalayuan natin ang marumi at mabaho.
Noong panahon ni Hesus, itinuturing ng mga tao na marumi ang mga ketongin. May batas na naghihiwalay sa kanila sa mga malilinis. Ang mga ketongin ay hindi na kabilang sa lipunan: nasa labas at gilid na lang ng lunsod.
Sinalungat ni Hesus ang batas. Hinipo niya ang ketongin. Hinipo muna niya ito bago linisin, minahal bago patawarin. Tinawid niya ang pader na naghihiwalay sa malinis at marumi. Pagmamahal ang naging daan sa paghilom.
Sa isang lumang tweet ni Papa Francisco, sinabi niya: "The Covid19 pandemic reminds us there are no differences or borders between those who suffer. We are all frail, all equal, all precious."
Lahat tayo ay marumi sa mata ng Diyos. Subalit nilinis at pinagaling tayo ng kanyang pag-ibig. Sa pagbuwag natin sa bakod ng paghihiwalay, magsisimula ang pagkakasundo at paghilom.
*Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|