 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Alaala ng Puso' ni Msgr. Noel |
| 13 February 2024 |
| |
|
Gaano na ba karami ang pagpapalang ating natanggap mula sa Diyos? Ilang ulit nang nagparamdam ang Diyos ng kanyang kabutihan? Marahil ay hindi natin kayang bilangin. Nag-uumapaw ang patunay ng kanyang pagmamahal.
Pero sa isang iglap, mabilis din tayong makalimot. Sa harap ng pagsubok, madali tayong mag-alinlangan. Tila napapawi ang lahat sa ating alaala.
Ganito ang karanasan ni Hesus sa kanyang mga alagad. Sabi Hesus sa kanila: "Mapurol ba ang inyong pag-iisip...? Hindi pa ba ninyo nauunawaan?" Sa kabila ng mga himalang nasaksihan nila kay Hesus, agad silang nakalimot nang sila ay kumalam ang sikmura at magutom!
Tama ang kasabihang, "gratitude is the memory of the heart." Hindi lamang isip, kundi puso, ang may kakayahang matuto at umunawa. Kapag nananalig, anumang mawaglit sa isip ay nananatili sa alaala ng puso.
Ang buong buhay ng pag-aalagad ay paghuhubog ng puso. Sanayin natin ang ating puso upang matutong bumasa sa mga tanda ng pagkilos ng Diyos sa ating buhay.
*Martes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|