 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Short-cut' ni Msgr. Noel |
| 25 February 2024 |
| |
|
Mahirap ang daan tungo sa tagumpay. Sa lipunang namihasa sa 'instant' at 'easy money,' nawawalan na ng halaga ang dangal at sakripisyo. 'Short cut' ang pinipili ng marami.
Ito ang ugat ng maraming kamalian sa lipunan. Ipinapaubaya ng tao ang kanyang dangal kapalit ng panandaliang ligaya. Ipinagpapalit niya ang kanyang dignidad sa huwad na pag-unlad. Pera ang itinatakdang pamantayan sa kanyang mga pagpapasya.
Ang kaisipang ito ang nasa likod ng pagkasira ng ating moralidad. Ito rin ang dahilan ng pang-aabuso sa kalikasan. "Panandaliang pakinabang, kapalit ay pinsalang pangmatagalan."
Sa ebanghelyo tungkol sa Pagbabagong Anyo ni Hesus, ipinaalaala Niya na walang 'short cut' patungo sa tunay na kaligayahan. Kailangang tahakin ang makipot na daan upang ating marating natin ang kaluwalhatian ng bagong buhay.
"For everything that is precious can be bought only at the cost of great pain" (from the movie, Thornbirds).
Daan ng Krus ang daan ng Kristiyano. Nakasalalay sa sakripisyo ang kaligtasan ng mundo. Kamatayan ang pinto tungo sa buhay.
*Ikalawang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|