Share the Thought by Msgr. Andro
27 February 2024
 
Pakitang-tao! Ayaw 'yan ng Panginoon. Tinutuligsa niya ang mga eskriba at Pariseo dahil pawang pakitang-tao lamang ang kanilang kabanalan. Nais nila ng palakpak at papuri. Nais nilang pagpugayan at hangaan. Nagsusuot sila ng maskara na parang mga artista [ang salitang Griego na "hypocrites" ay nangangahulugan ng "actor's mask"]. "Napapanood" sila ng madla. Tahimik lang ang nais ni Jesus. Huwag nating ibandila ang ating pagpapakabuti.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN