 |
| |
| |
| PANALANGIN PARA SA TAON NG EDUKASYONG KATOLIKO
|
|
| |
|
Ama naming mapagmahal, Ikaw ang Dakilang Guro at bukal ng Katotohanan at Karunungan. Pagpalain Mo ang aming mga Katolikong Paaralan upang maging mga sambayanang nagsasabuhay ng pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa. Patatagin Mo ang aming obispo, mga pari, kawani, guro, mag-aaral at magulang upang maging mga mabubuting katiwala ng Iyong mga biyaya, at tapat na saksi ni Kristo sa aming pamayanan. Sa tulong ni Maria, ang Tala ng Ebanghelisasyon, nawa ang bawat paaralang Katoliko sa Diocesis ng Lucena ay maging bukal ng Salita ng Diyos at mga alagad-misyonerong magpapalaganap ng liwanag ni Kristo sa aming lipunan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. |
|
|
|
| |
|
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|