 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kabahagi' ni Msgr. Noel |
| 04 March 2024 |
| |
|
Sa kaisipan ng mga Judio, sila lang ang mahal ng Diyos. Dahil sila ang bayang pinili, sila lamang ang nararapat na makinabang sa kanyang mga himala.
Subalit binasag ni Hesus ang paniniwalang ito. Ipinaalaala niya sa mga Judio ang naganap sa Lumang Tipan: sa dinami-dami ng balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias, sa isang babaing balo sa Sarepta lamang siya sinugo ng Diyos. At noong kapanahunan ni Eliseo, ang tanging pinagaling sa ketong ay isang taga-Siria na si Naaman.
Ang pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat. Kapag Siya ay pumili, hindi siya nagtatangi. Lahat ay kabahagi sa kanyang pagkupkop at paglingap.
Walang limitasyon ang kanyang pag-ibig. Ito ang ating hinahangad upang maging isang simbahang sinodal.
Lahat ay may bahagi, walang maiiwan. “Our journeying together is, in fact, what most effectively enacts and manifests the nature of the Church as a pilgrim and missionary People of God.”
*Lunes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|