 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 10 March 2024 |
| |
|
|
Takot ang bata sa dilim. Takot ang matanda sa liwanag. Wika ni Jesus sa ebanghelyo, "Ang gumagawa ng masama ay napopoot sa liwanag." Ang dahilan: Sa liwanag ay lantad ang masasamang gawain. Mas mauunawaan natin ang batang ayaw sa kadiliman. Ang mas mahirap unawain ay matandang umiiwas sa liwanag. Niliwanagan na tayo ni Cristo. Dapat na tayong mabuhay sa kaliwanagan. Walang takot. Handang malantad. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|