 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 14 March 2024 |
| |
|
|
Mukhang hindi tatanggaping saksi sa korte ang mga Marites. Ang alam nila ay sabi-sabi lamang, tsismis kumbaga. Ang saksi ay dapat naroon sa mismong pangyayari. Maaari niyang sabihin, "Nakita ko... narinig ko mismo." Pagsaksi rin ang paksa ng ebanghelyo. Si Juan Bautista ay sumaksi kay Jesus na nakasama niya. Tayo rin ay tinatawagang maging saksi. Katagpuin muna natin si Jesus [sa ating pananalangin] upang tayo'y maging kapani-paniwala. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|