Sa Isang Salita: 'Pakikiapid' ni Msgr. Noel
18 March 2024
 
Isang matinding batik sa pagkatao ang kasalanan ng pakikiapid. Mahirap patawarin ang pagtataksil. Sa ebanghelyo, ganito ang namamayaning damdamin ng mga tao sa babaeng nahuli sa pakikiapid.

Subalit sa biblia, ang lahat ng uri ng kasalanan ay isang anyo ng pakikiapid. Sa likod ng bawat pagkakasala, tinatalikdan natin ang ating pangako ng katapatan sa Diyos. Tayo ay namamangka sa dalawang ilog. “Nakikiapid” tayo sa iba sapagkat inilalaan natin ang ating pagmamahal sa bagay ng mundo at hindi sa tunay na Diyos.

Sa larangang ito, wala tayong ipinagkaiba sa babaeng nakiapid. Lahat tayo ay may batik ng kasalanan. Wala tayo sa lugar para humatol sa iba. Tulad ng babae, tayo ay nangangailangan din ng awa at habag ng Diyos.

Ang panahon ng Kuwaresma ay isang sandali ng pagpapala upang makita kay Hesus ang mukha ng habag ng Diyos.

*Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (A, B)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN