Share the Thought by Msgr. Andro
22 March 2024
 
Kapag maganda ang lugar, gusto mong balik-balikan. Kapag magandang
alaala, nais mo laging alalahanin. Ayon sa ebanghelyo, muling pumunta si Jesus sa baybayin ng Jordan. Bumalik siya kung saan siya nagpasimula. Nang siya'y muling mabuhay, ang mga alagad ay pinabalik niya sa Galilea. Bakit mahalaga ang magbalik-tanaw? Ito'y nagdudulot ng lakas. Kapag napapagod ka na, ang magbalik sa magandang kahapon ay magdudulot ng bagong sigla.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN