Sa Isang Salita: 'Lingkod' ni Msgr. Noel
28 March 2024
 
Sa paghuhugas ng paa ng kanyang mga alagad, isinalarawan ni Hesus sa simbolikong pagkilos ang pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos 'mula sa kaitaasan' ay nagpakita ng kadakilaan sa kapakumbabaan ng isang lingkod.

Ayon kay San Pablo, hindi lang isa, kundi dalawang hakbang, ang pagpapakababa (kenosis) na ginawa ni Hesus: nang siya'y nagkatawang tao at nang siya'y maghain ng buhay sa Krus.

Sabi ng isang spiritual writer, "The foot washing is a sign of the ultimate subversion of all human authority." Sa pagpapakumbaba ni Hesus, isinisiwalat ang kawalang halaga ng ating paghahangad na laging maging 'una,' at angat sa iba.

Sa kabalintunaan, itinuro ni Hesus ang pag-ibig na hindi naghihintay ng lugod sa sarili. Bago siya lumisan, ang iniutos Niya sa mga alagad: magmahal sa kapwa 'tulad' ng ginawa Niya.

Ang utos ng pag-ibig ang nasa likod ng kanyang utos noong Huling Hapunan: "Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin..." Ibig sabihin, mapapanatili natin ang alaala ni Kristo - hindi lang sa pamamagitan ng ritwal ng pagsamba sa Diyos - kundi sa paglalaan ng buhay sa Kapwa, na siyang diwa at buod ng Eukaristiya.

*Huwebes Santo, Simula ng Triduo Pascual

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN