 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Hiling' ni Msgr. Noel |
| 09 May 2020 |
| |
|
"Anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking ngalan ay ipagkakaloob sa inyo." Ito ang pangako ni Hesus: may katiyakan at maaari nating panghawakan.
Sa ebanghelyo ni San Juan, ang namamayaning mensahe ay: si Hesus ang Salitang Naging Tao.
Makahulugan pala 'yung ipinapahayag natin sa dasal, "Diyos na totoo at tao namang totoo." Ang sabihin nito, si Hesus ay kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at kaisa natin sa pagkatao. Siya ang ganap na Tagapamagitan natin sa Diyos. Siya ang ating 'direct line' sa Ama.
Walang pag-aatubili, idulog natin kay Hesus ang ating hiling. Sa takdang panahon, may kaganapan ang lahat ayon sa plano ng Maykapal.
*Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|