 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagtawid' ni Msgr. Noel |
| 30 March 2024 |
| |
|
Ang ibig sabihin ng 'pasko' ay pagtawid (passover). Sa Pagkabuhay, si Kristo ay tumawid mula sa kamatayan patungo sa buhay. Hindi nag-iisa si Kristo sa kanyang pagtawid. Taglay niya ang ating katauhang kanyang inari sa kanyang pagkabuhay. His victory is our victory because in Jesus, God has embraced us in our humanity and in our history. Kasama tayo sa pagtawid na ito.
Bakit dalawang elemento ang binabasbasan sa gabi ng Sabado Santo: apoy at tubig. Ang apoy ay sagisag ng pagka-Diyos ni Kristo (ang Liwanag buhat sa Liwanag). Ang tubig ay sagisag ng ating pagkatao (at lahat ng pagpapalang makalupa). Sa isang bahagi ng pagdiriwang, itinutubog sa tubig ang Kandila (paschal candle) ng binasbasang apoy. Ito'y sagisag ng misteryo ng pagsasanib ng pagka-Diyos ni Kristo sa ating pagkatao. God became man so that man can become like God.
Anong kahulugan nito para sa atin? Totohanin natin sa ating sarili ang mensahe ng Pasko.
1. Ang pagtawid mula sa luma tungo sa bagong pagkatao. Nilunod at pinuksa na ng tubig ng binyag ang ating lumang sarili at sumilang ang isang bagong nilalang. "Christians, be what you are." Huwag na tayong babalik sa dilim. Nakatawid na tayo sa liwanag ng bagong buhay.
2. Ang pagtawid mula sa kawalang pag-asa (despair) tungo sa bagong Pag-asa (hope). "Hope is the radical refusal to put limits to what God can do." Hindi kaylanman maaring magtagumpay ang dilim. Sabi ng mga nakatira sa tabing dagat: kung kailan pinakamakapal ang dilim ng gabi, yun ang hudyat na malapit nang magbukang-liwayway.
3. Ang pagtawid mula sa pagsasawalang kibo (apathy) tungo sa pakikisangkot (involvement). Tinatawag tayong maghasik ng liwanag sa gitna ng karimlan ng kawalang katarungan at pagkamakasarili. "Do not abandon yourself to despair. We are Easter people and Alleluia is our song."
Maligayang Pasko. Maligayang Pagtawid. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|