 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pananalig' ni Msgr. Noel |
| 06 April 2024 |
| |
|
Ang pananalig ay lenguahe ng puso. Ang ating puso ay may kanyang katwiran na di kayang ipaliwanag ng isip. Tanging pusong nananalig lang ang nakakaunawa.
Ang salitang 'Credo,' (I believe) ay galing sa dalawang salitang Latin: 'cor' (heart) at 'do' (give). Ang taong nananalig ay handang magbigay ng puso. "A true lover is also a true believer." Ang tapat umibig ay wagas ding kung manalig.
Nakatala sa ebanghelyo na sa kabila ng pagpapatotoo ng mga saksi sa muling pagkabuhay, "marami ang ayaw maniwala."
Sa buhay, sadyang maraming mga bagay ang di kayang arukin ng isip... mga bagay na puso lamang ang nakakaunawa. Kaya nawika ni San Agustin: "Credo ut intelligam." I believe that I may understand.
"For those who believe, no proof is necessary, but for those who do not believe, no proof is possible." Sa mata ng pananampalataya, matatalos natin ang hiwaga ng ating pag-iral. /mnv
*Sabado sa Oktaba ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|