Share the Thought by Msgr. Andro
13 April 2024
 
Madilim na'y mahangin pa. Nakatatakot iyon. Mabuti na lamang at dumating si Jesus na nagsabing "Ako ito" [sa Griego ay "Ego eimi" na pahayag na siya ay Diyos]. Kapag madilim ang ating buhay at sinasalpok ng hangin ng mga pagsubok, tumawag tayo kay Jesus, ang Diyos na naging tao at nakauunawa sa ating katatayuan. Hindi niya tayo hahayaang lumubog sa tubig ng kawalang-pag-asa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN