 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tinapay' ni Msgr. Noel |
| 19 April 2024 |
| |
|
Sabi ng isang teologo, ang tinapay ay higit na nagiging tinapay kapag ito ay ibinahagi. Ibig sabihin, nagkakaroon ng ibayong kahulugan ang tinapay kapag ito ay pinagsaluhan. Bawat salu-salo ay sagisag ng 'koinonia' o bahaginan ng buhay. "When 'I' is replaced by 'we,' even illness becomes wellness."
Ang tinapay ay sagisag rin ng buhay. "Bread" ang tawag natin sa sahod o kita, at "breadwinner" ang naghahanap-buhay para sa pamilya.
Sabi ni Papa Francisco: labanan natin ang “culture of waste : throwing food away is like stealing from the tables of the poor, the hungry!"
Sa mas malalim na kahulugan, ang tinapay ay sagisag ng lahat ng pagpapalang galing sa Diyos. Ang mag-aksaya ng pera sa walang kapararakang paggasta ay insulto sa mga nagdarahop at maralita. Ang pagsira sa kalikasan at kawalan ng pakialam ay pagnanakaw sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Ginigising ng Eukaristiya ang ating budhi para makiisa sa katayuan ng mga kapus-palad. "The one who is fed by the very body and blood of Christ cannot remain unaffected when he sees his brothers suffering want and hunger" [Pope Francis].
Si Kristo bilang Tinapay ng Buhay ay kaisa ng sambayanang nagugutom at nauuhaw sa katarungan at kapayapaan.
*Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|