Sa Isang Salita: 'Pastol' ni Msgr. Noel
21 April 2024
 
Ipinagdiriwang natin ang Good Shepherd Sunday ngayong Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay. Sa iba't ibang bahagi ng ebanghelyo hinggil sa Mabuting Pastol, inilalarawan ang katangian ng tunay at tapat na Kristiyanong pamumuno.

1. "Dinadala tayo sa sariwang pastulan." May pananaw ang lider para sa sambayanan. "To lead without vision is treason." Ang tunay na namumuno ay hindi lang "sikat"; dapat ay "tapat." May kakayahan at integridad. Hangad niya ang pag-unlad ng buong tao, at hindi lang ng panandalian o materyal na progreso.

2. "Nag-aalay ng buhay para sa mga tupa." Hindi niya inuuna ang personal na interes. Itinataguyod niya ang kapakanang pangmadla (common good), at hindi lang ang pagkakamal ng sariling yaman at kapangyarihan.

Handa siyang magbuwis ng buhay at hindi ang magwaldas ng buwis. Huwad ang pastol na ang hangad lang ay bayad at upa.

3. "Iniiwan ang siyamnapu't siyam para hanapin ang isang nawawala." May paggalang siya sa dangal ng tao, lalo na sa mahihina. Hindi nagmumura at nananakot para masunod ang kagustuhan. Ani Papa Francisco, "a true shepherd smells like his sheep."

Sa harap ng krisis at kagipitan, lumilitaw kung sino sa mga namumuno ang may puso ng tunay na pastol at sino ang huwad at upahan lamang.

"Instead of being just a church that welcomes and receives by keeping the doors open, let us try also to be a church that finds new roads, that is able to step outside itself and go to those who do not attend Mass, to those who have quit or are indifferent" [Pope Francis].

*Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay. Linggo ng Mabuting Pastol

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN