|
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
23 April 2024 |
|
|
Noong ordenang pari si Fr. Levi Burgos ay sinabi ni Obispo Profugo, "Priest: property of God. Devil: not allowed." Hindi lamang pari, lahat ng mga Cristiano ay pag-aari ng Diyos at walang karapatang umagaw ang Diyablo. Wika ni Jesus sa ebanghelyo, "hindi sila maaagaw sa akin ninuman." Tayo ang tinutukoy. Kay Jesus tayo nabibilang. Hindi tayo maagaw ng masama. Dapat ang motto natin ay "I belong to God. Devil is not allowed." |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|